Episode #13: Kulang kulang ay isang linggo na lang at Pasko nanaman! Ang bilis talaga ng araw. Parang kailan lang nung nakaraang Pasko. Masaya ang Pasko ko nung nakaraang taon. Unang Pasko kasi na may trabaho ako, kaya unang beses ko rin nakatikim ng 13th month pay. Hehe. Medyo wala ngang natira kasi nakapangako ako na bibili ako ng Magic Sing. Pero okay lang. Masaya naman kasi. Masaya din dahil nakapag-leave ako ng isang linggo sa trabaho noon, kaya nagkaroon ako ng maraming oras na makapiling ang aking mga kamag-anak, lalo na yung mga balikbayan. At yun nga, marami rin kasi kaming mga kamag-anak ang umuwi dahil kasal ng pinsan ko 1 araw pagkatapos ng Pasko. Kaya masaya ang nakaraang Pasko. Dagdag pa doon ay sinurprise visit ako sa bahay ng ilan sa mga kaibigan ko. Hehe.
Ngayon, medyo kakaiba dahil wala akong nakuhang 13th month pay ngayon dahil nga nawalan ako ng trabaho sa kalagitnaan ng taon. Tapos ngayong Disyembre lang uli ako nakahanap ng trabaho. Mabuti at tapos na ang Christmas party nila dito sa bago kong trabaho dahil ako ay nangangamba na baka pagsayawin nila ako pag nagkataon na naabutan ko pa ang party nila. Hehe. Hindi pa talaga ako nakaka-experience na Christmas party ng isang malaking kumpanya. Ngunit okay lang naman yun. Last year, simple lang talaga ang naging party namin. Dahil nga maliit lang ang kumpanya namin, kumain lang kami sa labas, pagkatapos, nag-videoke kami. Simple lang pero masaya. Nakaka-miss. Ang masaya kasi sa isang maliit na kumpanya, mas malaki ang chance na magiging magkakaibigan kayong lahat. Hay… Naiiyak ako pag naaalala ko. Sana dumating yung panahon na maging magkakatrabaho uli kaming lahat. Hindi na ako magaalinlangan pa, sasama uli talaga ako kapag nangyari yun.
Teka, nawala na ako sa topic ko. Hehe. Nadala nanaman si Rowjie ng kanyang emosyon. Hehe. Pasensya na, malungkot lang talaga kasi ako ngayon. Eto lang ang paraan ko ngayon para makapaglabas ng nararamdaman ko.
Nagsimula na ang simbang gabi nung Linggo. Nagkaroon ako ng chance na maka-attend ng anticipated mass para sa unang simbang gabi sa simbahan sa tabi ng Mall of Asia. Masaya ang naging sermon ng pari. Pero sumama pa rin ako kinabukasan sa aking mga kamag-anak sa pagsimba. Kaya medyo antok ako nung buong araw ng Linggo. Isang beses ko pa lang nakumpleto ang simbang gabi - nung nasa kolehiyo pa ako. Sabi nila, pag nakumpleto mo raw ang 9 na gabi, ay pwede kang humiling at ito ay matutupad. At sa aking experience naman, ito ay natupad. Pero siyempre, ayoko din namang kumpletuhin yung 9 na gabi dahil lang sa wish. Hindi naman yun talaga ang purpose nun diba?
Super traffic na din at dami ng mga tao sa mall ngayon dahil marami pa rin ang namimili ng mga pang regalo sa kanilang mga minamahal. Sa totoo lang, hindi ako nagplano ng araw kung kailan ako mamimili ng regalo. Biglaan lang tuwing nasa mall na ako, pag naisipan kong bumili na. Hehe. Kaya parang medyo nakaiwas ako sa madaming tao. Dagdag pa doon na wala pa akong trabaho kamakailan kaya weekday ako pumunta sa mall. Paalala lang uli, wag sana sa regalo o anumang materyal na bagay ang maging sentro ng ating Pasko dahil hindi naman yun talaga ang rason kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko.
Excited na din ako para sa Noche Buena. Haha. Hindi dahil sa pagkain, pero kakaiba kasi ang pakiramdam kapag ganun. Sa totoo lang, pagkatapos nga nun ay parang ayaw ko na munang matulog. Hehe. Tapos ang sarap makatanggap ng mga Christmas greetings sa text, tsaka yung ikaw din magtetext sa iba ng Merry Christmas. Asar lang kapag pumalpak ang mga mobile networks. Hehehe.
Tradisyon din sa amin na sa bahay kami ng lola ko magsasalo-salo. Kainan, bigayan ng regalo, kwentuhan, kantahan, atbp. Taon-taon din na nagpapaagaw ng barya ang tita ko. Ang saya saya nun kapag inihahagis na niya iyon. Tapos paramihan kami ng barya na makukuha.
Kapag dumadating nga ang gabi ng Disyembre 25, medyo nakakadama ako ng lungkot kasi patapos na ang araw. Ang tagal natin hinintay tapos matatapos agad diba?
Minsan, di rin natin maiwasan ang mga kapwa Pinoy natin kung masaya ba silang magdiriwang ng Pasko. Nakakalungkot pero hindi talaga lahat makakapagdiwang ng masayang Pasko. Pero makakatulong din naman tayo diba? Nakakatuwa dahil tuwing Pasko, marami talaga ang nagbibigayan. Totoo naman yun diba lalo na sa ating mga Pinoy. Pero sabi nga nila diba, sana araw-araw ay Pasko. Kahit sana hindi Pasko, ay magtulungan tayong lahat.
Mga kapwa ko Pinoy, ngayon pa lang ay bumabati na ako ng isang Maligayang Pasko para sa lahat ng mga Pinoy sa buong mundo!

Recent Comments