Diskriminasyon

11 07 2008

Paunawa: Ang blog entry na ito ay walang intensyong manira ng walang sapat na basehan. Ito ay base sa totoong nangyari. Ayoko mang banggitin kung saan eksaktong naganap ang mga sumusunod na pangyayari, ngunit paraan na din siguro ito upang mailabas ko ang aking mga saloobin (at sana ay mabasa ng mga manager nila ito! Haha.). Alam kong medyo mababaw pa ang mga nangyari sa kwento kong ito, pero siguradong meron pang iba dyan na mas malala pa ang naging karanasan.

Kagabi, ay niyaya ako ng balik-bayan kong kaibigan upang kumain. Huli kaming nagkita noong taong 2006. Yun ang una niyang balik sa Pilipinas, pagkatapos mag-migrate ng kanyang pamilya sa states noong taong 1997. Malapit na siyang umalis kaya siniguro ko ng ma-meet siya kagabi. Matagal pa kaming nagdiskusyon kung saan kakain hanggang napagdesisyunan naming kumain sa Krocodile Grill sa Greenbelt. Nakakaengganyo ang mga pagkain sa kanilang menu kaya medyo natagalan din kami sa pagiisip ng aming oorderin.

Kung pagkain lang naman ang usapan, eh masarap talaga ang pagkain. Busog na lang talaga ako kaya hindi ko na naubos ang pagkain. Humingi ang kaibigan ko ng tubig. Binigyan siya. Napatingin lang ako at natawa kasi siyalang ang nabigyan. Dapat pala ay 2 baso ng tubig ang hiningi namin. Kaya humingi ang kaibigan ko ng tubig sa waitress. SabiĀ  ni waitress, “Wait lang po ha”, with matching masungit na hitsura. Ilang minuto na ang nakakalipas at wala pang tubig ko. Mabuti at hindi pa ako nabubulunan. Humingi na ako sa isang waiter dun. Maayos pa ang pagkakasabi ko na, “Water po”. Sabi niya sige daw. Pero wala pa rin.

Medyo matapang ang kaibigan ko kaya hiningi na niya ang bill at pinatawag ang manager. Akala ko ay giyera ang magaganap pero nag-usap naman sila ng maayos. Sinabi niya ang aming hinaing sa supervisor. Mabuti pa si supervisor at nag-apologize sa amin. Siya na rin ang nagbigay ng tubig sa akin at nagbigay ng bill.

Mabuti at maganda ang mood ko kagabi kasi kung hindi, siguradong gagawa ako ng eksena para malaman ng mga tao na may maling nangyari. Inisip namin ng kaibigan ko kung ano kaya ang problema nila at ganoon ang inasta nila sa amin. Wala naman kaming ginawang masama… Hmmm, Siguro dahil sa diskriminasyon. Puro pormal ang nandoon kagabi. (Siguro dahil mukha din kaming bata. LOL). Okay naman ang suot ko kahapon. Favorite ko nga yung suot ko kahapon. Pormal naman. Hindi naman siguro kami mukhang gusgusin. At higit sa lahat, magbabayad naman kami. Hindi naman namin sila tatakbuhan.

Yun lang talaga ang naiisip kung rason kung bakit ginaganon kami kagabi.

Katulad na lang yan ng kumain kami sa North Park sa COnvergys sa Ayala. Lunch break nun kaya madami talagang tao. Umorder na kami. Basta nauna kaming umorder kaysa doon sa mga tao sa katabi naming table. Maya-maya ay nauna pang dumating ang order nila. Take note, may mga pareho naman kaming inorder eh. Naisip ko, ah siguro kasi dahil naka-casual lang kami noon. Baka, mas prayoridad ang mga naka-pormal na damit. Bakit, hindi ba kami magbabayad?

Sa asar ko, eh alam kong mayabang na ang dating ko, eh sinabi ko sa mga kasama ko, “Ilabas niyo nga ang mga pera niyo. Baka akala nila hindi tayo magbabayad.”

Ayoko mang isipin pero naiisip ko na baka diskriminasyon ang dahilan kung bakit nangyari ang mga yun. Nakaka-offend. Nakakawala ng respeto sa sarili.

Tulad ng lagi kong sinasabi, sa totoo lang, may soft spot talaga sa akin yung mga waiter, waitress, cashier, etc. That’s why I don’t look down on them. Kaya lang minsan pag pinakitaan ka kasi nila ng hindi maganda, eh nakakainis talaga. Katulad na lang yan doon sa nangyari sa akin sa SM Bacoor. Twice na akong tinatarayan ng cashier doon sa bilihan ng load. Eh wala naman akong ginagawang masama.

Kaya tama lang na minsan magsalita tayo kapag pinapakitaan na tayo ng hindi maganda, pero as much as possible, sa mapayapang paraan.


Actions

Information

3 responses to “Diskriminasyon”

11 07 2008
yeye (15:45:21) :

kuya ang puso mo. hehehehe

pigilan mo ako! hahaha :P

11 07 2008
mhar (23:13:41) :

sana kasama mo ako ewan ko lang kung ano aabutinng mga hunghang na yun.haha. umm ilang beses na rin akong sinusungitan at tinatarayan pero pag ako na nagsalita, mas malupit pa sa pantataray nila. hehe…

the same with me. haha. siyempre, sisiguraduhin kong hindi ako magpapatalo. sige next time, kain tayo at sana ay matarayan tayo para matest natin ang ating abilities sa pagsusungit. haha

25 07 2008
rimewire (23:01:28) :

sm bacoor?

malapit lng kame jan ah

hakhak

elyens

XXXxx

Ows? Wow! Saan kayo?

Leave a comment

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>