Ang bilis ng panahon. Nangangalahati na ang taon. Parang kailan lang mula noong nagsimula ako sa bago kong trabaho. Akala ko pa noon ay tatapusin ko lang ang limang buwang kontrata ko sa trabaho, pero heto at nandito pa rin ako. Medyo matagal-tagal din akong naka-adjust sa aking new environment.
Kahit papaano ay sanay na ako sa trabaho ko. Salamat din at naisipan kong mag-fatness first. Tulad nga ng napagusapan namin ni kaibigang Justine, eh it’s a way to get out of the daily (boring) routine na bahay-office-bahay. Pero enjoy naman ako sa bahay. Marami din kasi akong ginagawa sa bahay. Minsan nga kulang ang weekend para magawa ko ang mga gusto kong gawin. Minsan nga parang gusto ko na lang magtrabaho sa bahay.
Halos kalahati ng taon na nagpagawa kami ng bahay. Bawat Sabado ay sinasamahan ko ang mommy ko pumunta sa construction site. Nakakapagod din pala. Kaya ngayong nakalipat na kami, ay medyo nanibago ako noong unang Sabado namin doon kasi parang naghahanap ang katawan ko ng maraming gagawin.
Marami din akong plano na hindi ko pa magawa-gawa pero gusto ko na talagang gawin ngayong medyo maluwag na ang aking schedule. Isa ito sa mga kinaiinisan ko sa aking sarili… ang hanggang plano lang.
Mabilis na yang Hulyo at Agosto. Pagkatapos “Ber-ber” months nanaman. Pasko nanaman. Hay! Ang bilis talaga! Hehe. Well, sana mas maging okay ang anim na buwan ng 2008. Medyo challenging kasi ang nakaraang anim na buwan, pero okay lang. I thank God na nalagpasan naman namin yun.
Ako po si Rowjie. 23 taong gulang. Nakatira sa lalawigan ng Cavite. Nagtatrabaho sa lungsod ng Makati bilang isang Web Developer. Kaya madalas niyo akong makikita na naglalakad sa Ayala Avenue na nakikinig sa Ipod.






















napadaan lang
huump.. tama! tama! ang bilis ng panahon sobra..
may pagkakapareho pala tayo.. hummp.. kakatanggap ko lang din sa trabaho.. at matatapos na rin contract ko.. 3 months ang traning at 3 months na contract.. Ayt. 6 months na ako dito.. ay ewan ko kung mareregular ako.. katamad na.
ang boring na nga eh.. paulit ulit na lang nangyayari sa buhay ko.. gising->kain->pasok sa office->uwi->tulog<- cycle pa ba tawag dito?
gusto ko ng happenings…
hayt. pero kung tutuusin, dami na rin nangyari matapos ang kalahating taon na mahirap kalimutan.. \m/
haayy..
” pero kung tutuusin, dami na rin nangyari matapos ang kalahating taon na mahirap kalimutan” - Why? May problema ba kaibigang Otep?
uunga bilis ng panahon. kelangan na magipon lapit na pasko eh hehehehehe
Oo nga… Pasko nanaman!
hehe..nabibilisan ako sa time lalo na pag trip na trip ko yung moment…
at mabilisan na nga lang yung ‘ber ber’ months na yan! waaaahhh~ malapit na birthday ko..huhu
Yah. Pag gusto mo yung moment, ang bilis ng oras. Pag ayaw mo naman, eh ang bagal. Huhu. Wow, kelan ang birthday mo?