The Frank Experience

23 06 2008

Nang unang mabalita si Bagyong Frank ay alam kong hindi pa siya ganoong kalakas. Nagulat na lang ako noong Sabado ng nabalita na ang lakas nito ay nasa 110 kph na. Malakas na talaga yun. Umulan-ulan na din sa Cavite ng bandang hapon.

Pag-uwi namin ng bahay ay may mga kakaibang tunog akong naririnig. Sumilip ako sa bintana ngunit hindi ko pa rin malaman kung saan nanggagaling ang mahiwangang tunog. Dinedma ko na lang yun dahil antok na antok na ako. Ang mahiwagang tunog pala ay tunog ng mga palaka. Sila siguro ay naglabasan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Maaga akong nakatulog nung Sabado siguro dahil na rin sa nasarapan ako sa kinain ko. Hehe.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sobrang lakas ng hangin. Brownout pa. Di ko inasahan na dadaan din pala ang Bagyong Frank sa Cavite. Oo, alam ko magkakaroon ng mga pag-ulan pero hindi ko alam na tatamaan din kami ng malalakas na hangin.

Mabuti at mga bandang alas diyes ay nagkakuryente na sa amin. At as expected, baha na sa maraming lugar hanggang sa mga sandaling ito. Marami nanaman ang napinsala ng bagyo. Nakakalungkot.

Ang isa sa mga pinaka-nakakalungkot na balita ay ang tungkol sa paglubog ng MV Princess of the Stars.

Walang pasok ngayon ang elementary, high school, at college sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar, kaya medyo nakakaramdam ako ng katamaran na pumasok ngayon. Pero wala ng magagawa dahil nandito na ako sa opisina. Ang gusto ko lang ay sana hindi na baha sa dadaanan ko mamaya sa pag-uwi ko.


Actions

Information

8 responses to “The Frank Experience”

23 06 2008
yeye (15:12:24) :

nakakabadtrip ung biglang nagbrownout at nawalan ng tubig. hahahahaaaaaiy

marami pang bagyong dadating.ehehehehe.

23 06 2008
bebenibadoodles (17:30:53) :

ayon sa matinding pananaliksik eh may isa pa daw expected na bagyo this week. Wag na sana matuloy naman kasi andami na apekted.

Kasama na kami duon na muntik ng magkagulo ang training dahil yung trainer ayun, na stranded na sa Bora. Sabi ng regional sales team, lubog na daw sa baha ang Katiklan. Ay siya, kawawa naman mga tao.

23 06 2008
Maldito (19:47:57) :

Prayer is my strongest tool right now. Isa ang pamilya ko sa nasalanta ng bagyo sa Iloilo. But thank God theyre safe. Okey lang mawalan ng gamit, wag lang ng buhay.

SAna wala nang bagyo. Please Lord. Kawawa naman ang mga tao.

24 06 2008
aga (04:03:24) :

badtrip yan si frankieeeeee……
asust. :)

24 06 2008
Rowjie (11:03:59) :

@yeye
- naku, wag naman sana malalakas.

@bebenibadoodles
- hi! naku, sana naman wag. hindi pa nga nakakaahon yung iba sa naging epekto ni Frank eh.

@maldito
- thanks God at safe ang family mo. sana talaga wag ng maulit.

@aga
- yah, nakakabadtrip talaga!

24 06 2008
dudong (13:20:01) :

dito sa king kinaroroonan. ni hndi nag paramdam si frank. nagtatampo na tuloy ako sa kanya keya hindi ko xa babatiin pag dumaan xa dito…

24 06 2008
BADoy (19:53:33) :

sana nga safe kayong lahat!!! haizz, sana kasi high tech ang pag asa! kahit kelan di sila maasahan…

25 06 2008
Rowjie (08:14:25) :

@dudong
- okay lang yan. mas mabuti pang hindi magparamdam si frank

@BADoy
- yup. Yah, medyo nadisappoint din ako. Kasi kung alam kong ganun, eh nakapagprepare sana ako kahit papaano.

Leave a comment

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>