Topak #13: Tada! Ito ang unang “Topak” para sa taong 2008! At ikalabing-tatlong episode pa ito. Malas o swerte? Hehe. Depende sa tao yan! Pero ako kasi noon swerte sa akin ang numerong 13.
Anyway, medyo in season naman ang titulo ng post na ito dahil kakatapos lang ng unang araw ng bagong taon. Siyempre, dahil bagong taon, usong-uso ang sangkatutak na pampaswerte. Isa ako sa mga naniniwala na dapat malinis ang bahay sa pagsapit ng bagong taon. Kaya bubg December 31 ay nagsipag ako na linisin ang mga parte ng bahay na bihirang linisin. Sayang nga lang at hindi kinaya ng powers ko na linisin ang buong bahay. Yung kusina at banyo lang ang naatupag ko. Pero yung kuwarto ko, ayun, di ko man lang natuunan ng pansin. Kaya nilagyan ko na lang ng 12 barya ang bintana ko. Actually, hindi sa bintana dahil medyo tinotopak ang bintana ko at minsan ay sumasara na lang siya bigla. Baka hindi ko pa makuha ang mga barya ko pag nagkaganun. Hehe. Kaya inilagay ko na lang sa cabinet na malapit sa bintana.
Nagsuot din ako ng stripes. Sabi nila para daw maraming perang bills ang dumating sa yo sa buong taon. Pag polka dots daw kasi ay puro barya lang. Haha. Mabuti na lang at marami-rami na akong naipong damit na stripes. Dati kasi wala akong masuot kapag bagong taon. Kulang na lang ay gumupit ako ng mga bilog gamit ang art paper, at idikit sa aking kamiseta.
Nakaugalian ko na din ang mag-ingay pagdating ng alas dose ng hatinggabi. Dati ay nagpapaputok kami. Pero isang beses ay dumikit ang watusi sa kamay ng kapatid ko. Mabuti na lang at walang nangyaring masama. Mula noon, hindi na kami nagpapaputok tuwing bagong taon. Medyo natakot na din ako sa paputok. Kaya nag-iingay na lang ako. Sasamahan ko pa ng talon para tumangkad naman ako. Napagiiwanan na kasi ako ng mga kaibigan ko sa height. Haha. Pero in fairness, medyo tumangkad yata ako nung nakaraang taon. Wala lang. Pansin ko lang. Hehe. O baka feeling ko lang? Siyempre, di rin mawawala ang mga bilog na prutas na sobrang nagtaasan ang presyo dahil sa bagong taon. Tsk tsk tsk.
Pero ika nga ni Zenaida Seva (tama ba ang ispelling?!?), “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang po sila. Meron tayong free will, kaya, gamitin natin ito. Now, let’s go back to Julius, and Tin-Tin”. Haha. Sumobra na. Seriously, para sa akin, wala naman talagang masama kung maniniwala tayo sa mga ganyang bagay. Pero wag nating hayaang doon na lang tayo dumepende. Siyempre, si Lord lang naman talaga ang nakakaalam ng lahat. Ang mahalaga, eh mas naniniwala tayo sa kanyang kakayahan.
So paano mga peepz? Nawa’y maging maswerte ang taong 2008 para sa ating lahat!
Ako po si Rowjie. 23 taong gulang. Nakatira sa lalawigan ng Cavite. Nagtatrabaho sa lungsod ng Makati bilang isang Web Developer. Kaya madalas niyo akong makikita na naglalakad sa Ayala Avenue na nakikinig sa Ipod.






















Walang masama sa maniwala sa mga pang paswerte, pero di mo kailangan mag depend dun kasi kung tama ka naman at hindi gumagawa ng paraan para suwertehin wala din diba?
@lei
- yup! Dagdag pa pala sa post ko, na siyempre, di naman kusang darating ang swerte. dapat kumikilos din tayo para sa ikauunlad natin. ika nga, “nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa”.