What Can I Give You This Christmas?

13 12 2007

rh_tpk.jpgTopak #12. Disyembre nanaman! Malapit na ang Pasko kaya uso nanaman ang mga kris kringle o monito monita. Haha. Naalala ko yung unang beses akong sumabak sa kris kringle. Bata pa ako noon. Kaya super laking problema talaga sa akin kung paano ako makakabili ng regalo. Grade 2 yata ako noon. Sampung piso lang kada araw ang baon ko. Sa pamilya lang naman namin yung Kris Kringle. Actually, hindi pala ako ang kawawa. Ang kawawa yung nabunot ko. LOL. Joke lang. Pero mabuti naman at nairaos ko yun.

Ang mga sumunod na experience ko ay panay exchange gifts na lang tuwing Christmas party. Last year naman, first Christmas ko na may trabaho na ako. Pero wala namang ganun dun sa office ko last year.

Nakakaaliw ang mga themes ng Kris Kringle. Kasama na dyan ang mga usong usong something soft, something edible, something long, something hard, etc. Noong Sabado, sinamahan namin ang isang kaibigan namin kasi naghahanap siya ng pwedeng pang Kris Kringle. Ang theme, “something that will describe yourself”. Aba, medyo mahirap yata yun noh. Hehe. Pero kung ako yun, eh bibili ako ng manok na stuff toy, figurine, etc. Lolz. Wala lang. Nasanay na kasi silang “Manok” o “Chix” ang tawag sa akin.

Pero in fairness, mahirap talaga mag-isip ng regalo, lalo na kung may budget kang kailangang sundin. Nakakatawa pala ang episode ng “Ang Pinaka” nung Linggo. Topic ang mga pinakagasgas na Christmas gifts. Kasama na dun ang towels, mugs, candles, picture frames, fruitcake, planner, etc. Haha. Nakakatawa lang pero ayoko din namang masamain. Siyempre diba, it’s the thought that counts.

Pero habang tumatagal, medyo nagiging praktikal na tayo sa pagreregalo. Gusto natin yung magagamit talaga ng pagbibigyan natin. Or yung iba, pera na lang ang ibinibigay para bahala na yung bibigyan niya kung ano ang gusto niyang bilhin.

Pero siyempre, hindi naman regalo o materyal na bagay ang mahalaga ngayong Pasko (seryoso eto ha? hindi ito topak). Mahalaga na alalahanin natin ang tunay na diwa ng Pasko - na ito ang kapanganakan ni Hesus.


Actions

Information

3 responses to “What Can I Give You This Christmas?”

13 12 2007
vanny (21:46:35) :

yeah, its da thot dat counts!! hahaha. ako di sumali sa kris kringle sa office. tinatamad ako bumili ng gift e..

speaking, nu ibibigay mo?? kelangan kong pumikit para surprise?? hehe

13 12 2007
Rowjie (22:14:07) :

@vanny
- haha. di naman. ewan ko kung magugulat ka. pero sana masurprised ka. with matching tears of joy pa!

16 12 2007
vanny (14:34:05) :

waaaahhh… baka himatayin ako rowell! hahaha

Leave a comment

You can use these tags : <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>