Episode #11: Kamakailan ay naglabas ang GMA Records ng isang benefit album para sa GMA Kapuso Foundation, ang “Isang Kinabukasan (A GMA Kapuso Foundation Benefit Album)”. Lahat ng proceeds ng album na ito ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation. Kapag binili niyo ito sa halagang 280 pesos, ay may kasama na siyang isang audio CD, at isang video CD kung saan kasama ang music video ng Isang Kinabukasan.
Kaya kung gusto mong makatulong kahit papaano, ay sinusuggest ko na bumili kayo nitong album na ito, may CD ka na, nakatulong ka pa! Hehe. Tamang-tama sa darating na Pasko, at least makakatulong tayo. Or pwede rin natin siyang ipangregalo. Bumili ako dahil ayokong idownload dahil siyempre nakakakonsensya rin diba? Ito pala ang music video ng Isang Kinabukasan. Astig ito.
Sulit na ding maituturing ang pagbili ng album na ito. Kasama sa audio CD ang mga sumusunod na mga awitin, mostly are inspirational songs:
1. Isang Kinabukasan - Various Artists
2. The Gift Inside Of You – Regine Velasquez
3. Forever Be – Jolina Magdangal
4. I Will Be – Janno Gibbs
5. Hindi Diyos Nagbabago, Tao - Sipol
6. My Miracle – Jonalyn Viray
7. Ang Kabataan – Jose Mari Chan
8. One Wish – Charmaine Piamonte
9. Ikaw – Brenan Espartinez
10. Tagumapay Nating Lahat – Jennylyn Mercado
11. Doon – Ivy Violan
12. Alaala Ng Pasko – Wency Cornejo
Ako po si Rowjie. 23 taong gulang. Nakatira sa lalawigan ng Cavite. Nagtatrabaho sa lungsod ng Makati bilang isang Web Developer. Kaya madalas niyo akong makikita na naglalakad sa Ayala Avenue na nakikinig sa Ipod.






















kapuso! anu mang kulay.. ng buhay.. nakz. tama ba lyrics? ehehe.
@vanny
- yup! tama! hehehe